Isinusulong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magkaroon ng ‘mandatory review’ sa paggastos ng Department of Health (DOH) para malaman kung ang pondo para sa ventilator at intensive care unit (ICU) ay nagagamit nang maayos.

“In any war, we should always look at the logistics. For the frontlines to keep on fighting, the supply lines must keep on running,” sabi ni Recto sa isang statement.

Ginawa ni Recto ang panawangan matapos nitong tanggihan ang pagbili ng 200 ICU beds na iniaalok ng isang Austrian company noong nagdaang taon. Itinanggai naman ito ni Health Secretary Duque III.

Bagama’t nadagdaga umano ang bilang ng COVID-19 dediicated mechanical ventilator sa pribado at pampublikong ospital sa 2,601 mula sa dating 1,446, hindi pa rin niya ito sapat sa ngayon.

“Isa pa, hindi natin alam kung ilan ang ambag ng government hospitals. May nagsabi na karamihan ay alokasyon ng mga pribadong ospital,” sabi ni Recto.

“The data should be unbundled so we will know the inventory in government hospitals. Dito dumadagsa ang mga mahihirap, kaya dapat alam natin kung sapat ba ang kanilang mga ICU units, ventilators, high-flow oxygen therapy machines,” dagdag nito.

Sa report ng DOH, may kabuhhang 2,521 units na inilaan para sa mga COVID-19 patient nationwide.

“Again, pinaghalong government and private ito. Pero ang mahalagang tanong, sapat ba ito?” tanong ni Recto.

“When public hospitals start posting ‘No admission for COVID patients’ signs, then we know the answer,” dagdag nito.

The post Paggastos ng DOH sa gitna ng pandemya rebyuhin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paggastos-ng-doh-sa-gitna-ng-pandemya-rebyuhin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paggastos-ng-doh-sa-gitna-ng-pandemya-rebyuhin)