Hiniling ng Bayan Muna sa Kamara na imbestigahan ang pagkamatay ng isang curfew violator na sinasabing dulot ng pinagawang matinding kaparusahan ng pulisya sa General Trias, Cavite.

Sa House Resolution 1697, na inihan nina Reps. Carlos Isagani Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite, hiniling nito sa Committee on Human Rights na alamin ang insidente ng pagkamatay ng biktimang si Darren Pe├▒aredondo, na sinasabing pinilit na ipagawa ang 300 rounds ng pumping exercise bilang kaparusahan sa paglabag sa curfew.

Lumitaw na Makalipas umano ang Tatlong araw matapos ang pagka aresto nito at ipagawa ang naturang physical activity ay nagsimula na umanong makaranas ng seizures o pangingisay si Pe├▒aredondo kaya isinugod ito sa ospital na kalaunan ay binawian din ng buhay.

“It is imperative for members of Congress, as representatives of our people, to defend the rights of our people and check on excesses and violations committed against them, especially in this time of crisis,” ayon sa resolusyon.

Naniniwala ang mga kongresista, itinakda ang batas para magsilbi sa interest ng taongbayan at hindi para abusuhin at gamiting ipagkait ang katapatan ng bawat mamamayan.

The post Pagpanaw ng curfew violator balak alamin ng Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagpanaw-ng-curfew-violator-balak-alamin-ng-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagpanaw-ng-curfew-violator-balak-alamin-ng-kamara)