Pinanatiling sarado ng Supreme Court ang lahat ng mga korte at court office sa NCR Plus hanggang Abril 11.

Sa isang administrative circular ng SC na isinapubliko kagabi, inuutos ang physical closure ng mga korte at tanggapan doon, kabilang ang SC, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at mga trial court mula Abril 5 hanggang 11.

Ito anila ay matapos palawigin ng pambansang gobyerno ang lockdown sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa parehong panahon.

Dahil dito, ang lahat ng mga hearing at court actions na hindi itinuturing na urgent matter ay suspendido.

The post Pagsasara ng mga korte sa NCR+ in-extend first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsasara-ng-mga-korte-sa-ncr-in-extend/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagsasara-ng-mga-korte-sa-ncr-in-extend)