Inendorso ng House Committees on Justice at on Appropriations sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukalang pagtatayo ng armadong grupo na magbibigay ng proteksyon sa mga hukom at staff ng korte.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel inihain nito ang panukala noong 2019 bilang tugon sa panawagan ni dating Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na proteksyunan ang mga hukom na nalalagay sa panganib ang buhay dahil sa pagganap sa kanilang trabaho.

Sa ilalim ng House Bill 9086, ang Judiciary Marshals Service ay ilalagay sa pangangasiwa ng Korte Suprema partikular sa Office of Court Administrator.

Ang hepe ng marshal ay mayroong ranggo at benepisyo na kapantay ng isang associate justice ng SC.

Ang marshal chief at kanyang tatlong deputy ay dapat miyembro ng Philippine Bar at mayroong ranggo na full colonel kung mula sa Armed Forces o National Police, o assistant director ng National Bureau of Investigation.

Sila ay maaaring magsilbi hanggang sa magretiro sa edad na 65.

Ang marshal service ay bibigyan ng otoridada na mag-imbestiga ng katiwalian sa mga hukom, hurado at empleyado ng korte sa tulong ng Office of the Ombudsman.

The post Pagtatayo ng armed group sa Hudikatura umusad na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtatayo-ng-armed-group-sa-hudikatura-umusad-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtatayo-ng-armed-group-sa-hudikatura-umusad-na)