Kailangang madaliin ang konstruksiyon ng dagdag na modular hospital na may COVID-19 facility at intensive care unit bed para matugunan ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa Metro Manila, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go.

“Huwag nating hintayin na nag-aagaw buhay na sa labas ng mga ospital ang ating mga kababayang may sakit. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para sagipin at gamutin sila,” pahayag ni Go, chair ng Senate health committee.

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na kinakailangan ng bansa ng 2,000 dagdag na ICU beds bilang tugon sa outbreak.

Para ma-meet ang demand, ayon kay Go, sinimulan na ng gobyerno ang ilang expansion project na naglalayong magkaroon ng 1,045 ICU beds para sa mga kritikal na kaso at 1,178 bed naman sa moderate at severe cases.

Kabilang dito ang dagdag na 110 bed sa Quezon Institute; 960 sa National National Center for Mental Health, 300 sa Manila Times College sa Subic, 166 sa New Clark City, 200 Eva Macapagal Terminal in Manila, 100 sa Orion, Bataan Port Terminal at 280 Philippine General Hospital, East Avenue Medical Center, National Kidney and Transplant Institute at ung Center of the Philippines;

Para naman mapalakas ang kapasidad ng health care system, hinikayat ni Go ang Philippine Health Insurance Corporation na madaliin ang pagbabayad ng kanilang obligasyon sa mga ospital.

The post Pagtayo ng modular hospital madaliin – Go first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtayo-ng-modular-hospital-madaliin-go/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtayo-ng-modular-hospital-madaliin-go)