Regular na isinasalang sa COVID test ang lahat ng healthcare workers na humaharap sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ito ang report ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa harap na rin ng dumaraming variant na posibleng madala ng mga health worker sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Duque, binabantayan nila ang mga frontlineer at kada ikalawang linggo ay sinusuri ang mga ito.

“Every two weeks po ay tinetest po sila para malaman kung sila ay positive. At kung may sintomas din sila ay kaagad ina-isolate or kung positive at mayroon pong exposure pero walang symptoms, kinu-quarantine po sila,” ani Duque.

Sinabi ng kalihim na inatasan na rin niya ang mga ospital na magreserba ng hotel room para sa kanilang mga doctor at nurse na mayroong sintomas at nagoositibo sa COVID-19 para hindi makapanghawa sa kanilang pamilya.

“Ito po ang regular na pangangalaga sa ating healthcare workers dahil tama po kayo Mr.President, kung hindi natin gagawin ito ay makakapanghaw sila sa kanila pong pamilya sa bahay,” dagdag ni Roque.

Batay sa pahayag ng mga eksperto, ang mga tinatamaan na COVID-19 ay mga pamilya kahit na nasa mga bahay lamang.(Aileen Taliping)#

The post Palasyo: Healthcare worker regular ang COVID test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-healthcare-worker-regular-ang-covid-test/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=palasyo-healthcare-worker-regular-ang-covid-test)