Binawi na ng Malacañang ang moratorium sa pagmimina .

Batay sa Executive Order no. 130 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, maaari nang pumasok muli ang gobyerno sa mga kasunduan sa pagmimina alinsunod sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang batas.

Kabilang dito ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagtatakda ng dobleng rate sa sa excise tax sa mga mineral, mineral product at quarry resources sa 4% mula sa dating dalawang porsiyento.

Dahil dito binigyan na ng hudyat ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mag-isyu ng exploration permit.

Sa ilalim ng EQ na pirmado ng Pangulo nitong April 14,2021, inaatasan ang DENR na i-review ang umiiral na mining contract at tiyaking hindi madedehado ang gobyerno.

Inatasan din ang DENR na bumuo ng mga bagong mineral agreement na titiyak na magagamit ng gobyerno ng maayos ang mga kita at shares sa production, at ang posibilidad na ideklara ang lugar bilang mineral reservation para makakuha ng kaukulang royalty.

Pinatitiyak din ng Pangulo sa ahensiya ang mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya na sisiguro sa kaligtasan ng kapaligiran sa tulong ng Mining Industry Coordinating Council para masiguro ang responsableng pagmimina.

The post Palasyo inalis na moratorium sa pagmimina first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-inalis-na-moratorium-sa-pagmimina/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=palasyo-inalis-na-moratorium-sa-pagmimina)