Para mabawasan ang mga Pinoy na naloloko sa scam, inihain nina AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang panukala na isama sa high school curriculum ang pagtuturo tungkol sa savings at investment.

Sa ilalim ng panukalang Savings and investments Act of 2021 (House Bill 9058) tuturuan ang mga estudyante ng kahalagahan ng pag-iipon at panimulang kaalaman sa investment at mga puntos na ikokonsidera para malaman kung maaaring manloloko ang nag-aalok ng investment.

Dahil sa social media at iba pang online platforms ay mas lumawak umano ang abot ng mga scammer kaya dapat mas maging mapagmatyag at mag-ingat ang publiko.

“The low levels of savings and financial literacy to identify telltale signs of investment scams underscores the need for a national response through financial literacy and education,” saad ng mga may-akda sa kanilang panukala.

Noong 2020 ay nakapagtala ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng 97% pagtaas sa investment scam advisories kumpara noong 2019.

Batay sa 2019 Financial Inclusion Survey, tanging 55% ng Filipino adult ang alam kung ano ang epekto ng inflation sa presyo ng mga bilihin at serbisyo. Nasa 33% lamang ang nakasagot ng tama sa mga tanong kaugnay ng interes rates at 33% lamang ang nakakaalam kung magkano ang tutubuin ng perang inilagay sa loob ng limang taon sa bangko kung ang interes ay 2%.

“These concepts on time and value of money are crucial in understanding the principles of saving, getting credit and investing. Without knowledge of these concepts, Filipinos would be unable to make informed decisions when comparing financial products and selecting financial institutions that would best fit their needs and capacities,” saad ng panukala.

The post ‘Para mabawasan nauuto sa scam, savings at investment ituro sa HS’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-mabawasan-nauuto-sa-scam-savings-at-investment-ituro-sa-hs/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=para-mabawasan-nauuto-sa-scam-savings-at-investment-ituro-sa-hs)