Pinangalanang “The Delano Manongs” ang bagong parke sa San Jose, California upang bigyang-parangal ang mga manggagawang Pilipino doon.

Ayon sa CBS News report, noong Abril 13 inaprubahan ng city council unanimously ang “The Delano Manongs Park” na matatagpuan sa eastside ng San Jose.

Binigyang-pagkilala sa “The Delano Manongs Park” ang libu-libong manggagawang Pilipino na nag-organisa at nakilahok sa 1965 Delano Grape Strike sa Central Valley ng California.

Mahigit 1,000 Filipino worker sa Agricultural Workers Organizing Committee ang nakipagtulungan sa aktibistang si Cesar Chavez upang mag-organisa ng strike at iprotesta ang mahinang kondisyon sa pagtatrabaho at mababang sahod.

Ang San Jose ay isa sa mga lugar sa California na may pinakamaraming Filipino-American.

The post Park sa California hinandog sa mga Pinoy worker first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/park-sa-california-hinandog-sa-mga-pinoy-worker/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=park-sa-california-hinandog-sa-mga-pinoy-worker)