Pangatlong araw na ng community pantry sa Barangay Caniogan sa Pasig City.

Sa Facebook, binahagi ni Ingrid Mediarito ang karanasan niya sa pangangasiwa ng IAM Pasig Food Tour Group Community Pantry.

Sa unang araw aniya ng pantry ay may mga tao na “hindi alam ang ideya ng community pantry,” pero buti na lang at may ilang mamamayan na nag-donate kaya muli siyang na-inspire na ipagpatuloy ang inisyatiba.

Ang prinsipyo rito ay may mga libreng pagkain, gamot, at iba pang gamit na nakalagay sa nasabing pantry, tapos depende na sa tao kung gaano karami ang kanyang kukuhain o gaano karami ang kaya niyang i-donate.

“Aaminin ko po, hindi as perfect ang unang araw ng IAM Pasig Food Tour Group Community Pantry as expected ko… Akala ko ay hindi ko pa makikita ang mga taong magte-take advantage. Pero meron,” banggit ng nagtayo nitong isa pang pantry.

“May mga nasaksihan ako. Lalo kong napatunayan na tama na kailangan ng edukasyon ng mga tao. Merong mga taong hindi alam ang ideya ng Community Pantry. Ang akala nila ay grocery ito na pwedeng ubusin ang laman ng hindi nagbabayad. Hindi nila naisip na hindi pang-isang araw na proyekto lang ito.”

“Pero ikaw, Ate. Ikaw na naka white T-shirt. Akala ko pupunuin mo ang eco bag na dala mo ng mga gulay at de lata. Pero naglabas ka ng ilang plastic ng bigas!!! Nag-donate ka! Binigyan mo uli ako ng pag-asa. Hindi lahat ay magte-take advantage. Hindi lahat ay tulad nila. Pinahanga mo ako, Ate. Thank you sa’yo,” kuwento niya pa.

Bukas itong pantry sa harap ng Buffalo Swing sa Dr. Sixto Antonio Avenue kanto ng Liwayway Street mula Lunes hanggang Sabado.

https://www.facebook.com/ingrid.mediarito/posts/10159404882517454?__cft__[0]=AZWss3Q3tecsfSA24nyFsliMf-ugWOeRaXWEaKf6hZ_EL1NY6LZKqvpu4bJIo5WYhP-CRpPbFjfpHWw49oi3jpo9lzIf_wH0ZOY8dO3-SbbmDzxF6zYrld3W3o3Dl3t9S3A&__tn__=%2CO%2CP-R

The post Pasig barangay may community pantry na rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasig-barangay-may-community-pantry-na-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasig-barangay-may-community-pantry-na-rin)