Dahil sa banta ng Bagyong Bising, walang pasok sa lahat ng mga paaralan at sa karamihan ng mga tanggapan bukas, Abril 19, sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa Memorandum 82 na pirmado ni Governor Joseph Cua, nakasaad na suspendido ang mga klase at work operations sa buong Probinsya ng Catanduanes, maliban sa essential offices, basic services, at mga opisinang kasapi sa disaster response.

Inatasan din ng gobernador, sa hiwalay na memo, ang lahat ng mga local chief executive at mga punong barangay sa lalawigan na pangasiwaan ang mandatory evacuation sa mga mamamayang nakatira malapit sa mga baybayin, tabing-ilog, at mga lugar na posibleng makaranas ng landslide ngayong araw, Abril 18.

“Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat, maging handa, at sumunod sa mga kautusang itatalaga para sa kaligtasan ng lahat,” saad pa ng Catanduanes government.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 ang Catanduanes habang papalapit ang naturang bagyo sa Rehiyon ng Bikol.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/halos-1k-biyahero-sa-bicol-stranded-kay-bising/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=halos-1k-biyahero-sa-bicol-stranded-kay-bising

The post Pasok sa Catanduanes suspendido dahil kay ‘Bising’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasok-sa-catanduanes-suspendido-dahil-kay-bising/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasok-sa-catanduanes-suspendido-dahil-kay-bising)