Mananatiling skeletal workforce ang papasok sa Kamara de Representantes ngayong linggo.

Batay sa ipinalabas na Memorandum ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, may mga piling empleyado lamang sa ilalim ng Office of the Secretary General, Administrative Department, Engineering and Physical Facilities Department, Finance Department, Legislative Operations Department, Legislative Security Bureau, at the Information and Communications Technology Services ang papasok.

“All other offices shall observe alternative work arrangements from home,” saad ng Memorandum.

Ang mga empleyadong ito ay maaari namang sumakay sa mga shuttle service ng Kamara para makarating sa Batasan Complex.

Ang mga papasok na empleyado ay kailangan namang sumailalim sa antigen test na isasagawa ng Medical and Dental Services.

Ang regular na operasyon ng Kamara ay magbabalik sa Abril 12.

The post Pasok sa Kamara limitado pa rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasok-sa-kamara-limitado-pa-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasok-sa-kamara-limitado-pa-rin)