Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa gobyerno na ipadala sa West Philippine Sea ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) upang magsilbing escort ng mga mangingisdang Pinoy doon.

Ayon kay Zarate ang pagpapadala ng barko ay hindi dapat pansamantala lamang at kung kailan lamang mainit ang isyu kaugnay ng panghaharass sa mga mangingisda.

“China is apparently treating the Duterte administration as a push over by doing what they want in Bajo de Masinloc and the rest of the West Philippine Sea without nary a whimper from Pres. Duterte,” sabi ni Zarate.

Sinabi ni Zarate na walang saysay ang mga ginagawa ng gobyerno upang ipaglaban ang mga mangingisda at ang karapatan ng bansa sa teritoryo nito.

“Our officials should always assert our independence, instead of them acting as apologists for China, who apparently now treat the Philippines as her vassal state,” dagdag pa ni Zarate.

Iginiit naman ni Zarate na hindi pakikipaggera ang solusyon na kanilang itinutulak sa WPS.

Ang plano naman umano ng Amerika at mga kaalyado nito na palawakin ang naval patrol sa WPS ay mistulang paghamon sa China kaya dapat itong tutulan.

“The situation in the WPS is already getting serious. The US and China should stop their sabre rattling so as to lessen the tension in the area. The Philippines along with other claimants in the area are in a situation akin to having two bullies in their backyard raring for a fight and thrash each other without regard for the backyard or the nearby houses and their residents,” wika pa ni Zarate.

The post PCG gawing sekyu ng mga mangingisda – Zarate first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pcg-gawing-sekyu-ng-mga-mangingisda-zarate/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pcg-gawing-sekyu-ng-mga-mangingisda-zarate)