Nanawagan ng tulong si Albay Rep. Joey Salceda sa Department of Agriculture (DA) matapos umatake ang rice tungro virus sa tatlong bayan ng kanyang distrito.

Ayon kay Salceda pinipesta ng tungro virus ang may 375 hektarya ng palayan sa Polangui, 221 hektarya sa Libon, at 186.5 hektarya sa Oas.

“They are the rice granaries of Albay. I seek immediate assistance for the affected farmers and for measures to preempt its contagion. Should funds are required, I will help secure the funding,” sabi ni Salceda sa text message na ipinadala nito kay Agriculture Sec. William Dar.

Sinabi ni Dar na agad aaksyunan ng ahensya ng problema.

Nagpahayag ng pangamba ang mga magsasaka na lumala ang problema kung hinid ito agad na matutugunan, ayon kay Salceda.

Ang tungro virus ay pinaniniwalaang dala ng green leafhopper. Ang dahin ng apektadong palay ay nagiging yellow orange.

Nagbigay ang DA ng 10 litro ng insecticide sa bayan ng Libon na magagamit sa 80 hektarya ng palayan.

The post Peste sumasalakay sa palayan ng Albay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/peste-sumasalakay-sa-palayan-ng-albay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=peste-sumasalakay-sa-palayan-ng-albay)