Mahigit 190,000 na ang aktibong kaso ng coronavirus sa Pilipinas o iyong ginagamot kasalukuyan sa karamdaman matapos madagdagan ng mahigit 12,000 kataong nagpositibo nitong Sabado.

Ayon sa Department of Health, naitala ang 12,674 bagong kaso, na nagpaakyat sa active case sa 190,245.

Dagdag 225 indibiduwal naman ang pumanaw dahil sa virus, kaya sampa sa 14,744 ang nationwide death toll.

Samantala, 593 ang nakarekober mula sa COVID-19, na nagtulak sa total recoveries sa 648,220.

The post PH active COVID case lagpas 190,000 na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-active-covid-case-lagpas-190000-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-active-covid-case-lagpas-190000-na)