Posibleng hindi na ituloy ng Chinese firm Sinovac ang vaccine clinical trial nito sa Pilipinas, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, nang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng Sinovac vaccine ay itinigil ng Chinese vaccine developer ang pagpursigi para sa pagsasagawa ng phase 3 clinical trial.

“‘Yung Sinovac kasi nu’ng naaprubahan ang EUA nila, tinigil nila ang pag-pursue ng clinical trials. Although nakikipag-usap pa rin sa possibility [of conducting the trials]… baka hindi na sila tumuloy kung kasama ng WHO (World Health Organization) ang Sinovac sa clinical trials, most likely hindi na sila magki-clinical trials dito,” pahayag ni Dela Peña sa Laging Handa briefing nitong Lunes.

Sinabi rin ni Dela Peña na nakumpleto na ng Belgium-based Janssen Pharmaceuticals ang kanilang mga pagsubok sa bakuna at inaasahang magsisimula na ng pag-analisa sa mga datos nito.

Ang Janssen, na pag-aari ng American firm Johnson & Johnson, ang unang vaccine developer na nakakuha ng go signal mula sa FDA noong Disyembre 28, 2020 para makapagsagawa sa bansa ng mga clinical trial.

The post PH clinical trial ng Sinovac posibleng mapurnada first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-clinical-trial-ng-sinovac-posibleng-mapurnada/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-clinical-trial-ng-sinovac-posibleng-mapurnada)