Namahagi ng tulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) nitong April 24 at 25.

Nakatanggap ng relief pack ang bawat mangingisda na naglalaman ng tatlong kilong bigas, 10 pirasong canned goods at dalawang pakete ng instant noodles.

Ayon kay PCG Spokesperson, Commodore Armando Balilo, naganap ang ‘Bayanihan sa Karagatan’ kasabay ng maritime exercise ng mga barko ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pinangunahan ng Task Force Pagsasanay.

Saad ni Ballilo, layon ng aktibidad sa Scarborough Shoal na masiguro ang kaligtasan ng mga mangingisda at tiyak na may sapat na supply ng pagkain at tubig habang nasa laot.

Bukod pa dito, inalam din ng PCG kung may mga radyo ang mangingisda para makahingi ng tulong kung sakaling kailanganin.

The post PH Coast Guard namudmod ng ayuda sa Scarborough Shoal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-coast-guard-namudmod-ng-ayuda-sa-scarborough-shoal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-coast-guard-namudmod-ng-ayuda-sa-scarborough-shoal)