Tinatalakay ngayon ng Pilipinas kung magpapatupad ba ito ng pansamantalang travel ban sa mga biyahero mula India, matapos mamataan doon ang bagong COVID-19 variant.

“Pinag-uusapan na po namin ngayon with DFA (Department of Foreign Affairs) so that we can recommend to IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases) if ever we will find that cause para po talagang i-ban muna temporarily just for us to prevent further spread of [the] disease here in the country,” ani Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ANC, Lunes.

Ang India variant ay una aniyang na-detect noong Oktubre 2020.

“Up until now, we can say that we still have not detected [it here], although we are still looking at our records, baka meron tayong nakita before,” sabi niya pa.

Sa ngayon, may presensya na sa ‘Pinas ng COVID-19 variants na unang namataan sa United Kingdom, South Africa, Brazil, at Gitnang Visayas.

The post PH posibleng mag-travel ban sa India first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-posibleng-mag-travel-ban-sa-india/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-posibleng-mag-travel-ban-sa-india)