Inalis na ng Philippine National Police (PNP) sa puwesto ang police chief ng General Trias, Cavite matapos makumpirma na pinatawan nga ng physical punishment ang mga lumabag sa curfew.

Kinumpirma ito ni PNP spokesperson Ildebrandi Usana ngayong Miyerkoles.

Naghain ng sworn affidavit ang dalawang curfew violator kung saan sinaad nilang pinilit nga sila ng pulis Gen. Trias na mag-physical exercise bilang parusa sa paglabag sa curfew.

Magugunitang pumanaw ang isang curfew violator sa nasabing lungsod, si Darren Manaog Pe├▒aredondo, matapos danasin umano ang parusang 300 pumping squats.

Lumabas sa death certificate na stroke at kondisyon sa puso ang ikinamatay ni Pe├▒aredondo.

The post Physical punishment kumpirmado, hepe ng Gen. Trias sinibak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/physical-punishment-kumpirmado-hepe-ng-gen-trias-sinibak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=physical-punishment-kumpirmado-hepe-ng-gen-trias-sinibak)