Balak ni PBA chairman Ricky Vargas na magkaroon ng exhibition series sa pagitan ng mga Pinoy at Chinese player.

Sa pahayag ni Vargas noong Araw ng Kagitingan, sinabi nito na nais niya ang best-of-seven match sa pagitan ng PBA Warriors at powerhouse team ng China para simulan ang 46th season ng PBA.

“I would like to see Season 46 jumpstarted with this exhibition match, the technical aspects of which could be crafted by our tournament officials. We need to give our people inspiration and hope,” ayon kay Vargas.

Bukod pa dito, gusto niyang si dating Gials coach Yeng Guiao ang manguna sa select team ng PBA.

Sa ngayon ay wala pang pormal na petsa kung kailan magsisimula ang liga dahil sa muling pagsirit ng COVID-19 sa bansa.

Target ng PBA na mabakunahan na ang lahat ng kanilang manlalaro bilang parte ng healing process ng bansa.

“We need to rally our people towards a common goal. Let us all sacrifice for the greater good and for a stronger PBA. We will pivot, deliver, transform and perform,” saad pa ni Vargas.

The post ‘Pinas vs China niluluto ng PBA chairman first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-vs-china-niluluto-ng-pba-chairman/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-vs-china-niluluto-ng-pba-chairman)