Walong volcanic earthquakes ang umuga sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Batay ito sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Huwebes, Abril 22.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na posibleng dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan, at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.

Saad ng Phivolcs, “Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari.”

Pinaalala rin ng ahensya sa mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna.

The post Pinatubo 8 beses nag-alburoto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinatubo-8-beses-nag-alburoto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinatubo-8-beses-nag-alburoto)