Kinilala ang isang Filipina agri-advocate sa The Netherlands dahil sa dedikasyon niya sa pagpapaunlad ng relasyong Pilipinas-Netherlands.

Ayon sa Embassy of the Netherlands in the Philippines, Lunes, pinagkalooban ni Ambassador Saskia de Lang si Dr. Mary Ann Pelagio Sayoc ng Knighthood in the Order of Orange-Nassau.

May malaki anilang naiambag ang nasabing Pinay sa pagsasakatuparan ng mga pagsisikap na naglalayong baguhin ang agrikultura ng Pilipinas at palakasin ang productivity ng mga lokal na magsasaka.

Si Sayoc ang public affairs lead ng East-West Seed Group, isang kompanyang Pinoy na may Dutch roots.

Siya rin ang chairperson ng Philippine Seed Industry Association at ang pinuno ng Philippine-Dutch Fellows Network, Inc., ang alumni association ng mga Pinoy na nag-aral sa The Netherlands.

Board member din si Sayoc ng Dutch Chamber of Commerce in the Philippines Inc. mula 2014.

“I am very proud to announce that it has pleased His Majesty King Willem-Alexander to award a Knighthood on a leading personality of the Dutch-Filipino community,” ayon sa ambassador. “It is a recognition of exceptional merit to The Netherlands.”

Ang Order of Orange-Nassau ay iginagawad sa mga indibidwal para sa kanilang matagal nang mahalagang serbisyo sa lipunan.

The post Pinay pinarangalan sa Netherlands first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinay-pinarangalan-sa-netherlands/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinay-pinarangalan-sa-netherlands)