Inabisuhan ang mga Pilipino sa Amerika na huwag lumabas nang mag-isa dahil sa tumitinding hate crime laban sa Asian-Americans doon.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na hindi pa rin natitigil ang pananakit sa mga Asyano kaya nagtulong-tulong na ang mga otoridad para mabantayan ang problema.

“Medyo mabigat pa rin sa ating mga kasamahang Asian-Americans.Right now sinasabi lagi namin, huwag silang maglakad na mag-isa. Mas mabuting mayroon silang kasama at doon sila sa maraming tao para hindi basta basta inaatake,” ani Romualdez.

Nitong Linggo lamang aniya ay isang mag-asawang Asyano ang inatake ng apat na lalaki habang nasa kanilang veranda sa San Francisco Bay at pinaghahamlas ang mga ito subalit natigil lamang nang lumabas ang anak at hinabol ang mga ito.

Sinabi ni Romualdez na mayroon ding mga nabiktimang Cambodian at Indonesians kaya pati ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ay tumutulong na rin para matigil ang pananakit sa mga Asyano.

Isa sa mga biktima ng hate crime sa Amerika ay isang Pilipina na binugbog habang papunta sa simbahan para sana magsimba.

The post Pinoy sa US pinayuhang huwag lumabas mag-isa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-sa-us-pinayuhang-huwag-lumabas-mag-isa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-sa-us-pinayuhang-huwag-lumabas-mag-isa)