Pinagbabawal ng Philippine National Police ang marahas na parusa sa mga lalabag sa quarantine protocol.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng isang lalaki sa Cavite matapos pagawin ng 300 pumping exercise dahil sa paglabag sa curfew.

“We are not tolerating this. Kung may nakaranas ng hindi naaayon sa ordinances, ito ay bibigyan ng pansin ng PNP,” ayon kay PNP spokesperson Police Brig. Gen, Ildebrandi Usana.

Nasawi si Darren Peñaredondo kasunod ng pinagawang parusa sa kanya, nakita sa death certificate nito na stroke ang kinamatay ng lalaki.

Nasibak naman sa serbisyo sina General Trias City Police chief Police Lt. Col.Marlo Solero, at PCpl. Jerome Vibar at Kenneth Mercene dahil sa pagkamatay ni Peñaredondo.

The post PNP ‘di kukunsintihin marahas na parusa sa mga quarantine violator first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-di-kukunsintihin-marahas-na-parusa-sa-mga-quarantine-violator/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-di-kukunsintihin-marahas-na-parusa-sa-mga-quarantine-violator)