Inulat ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 40 sa kanilang hanay ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ito’y matapos na isa ang madagdag sa listahan ng mga namatay sa mga personnel ng kapulisan sa bansa.

Ang bagong pumanaw ay isang admin police non-commissioned officer na may ranggong police staff sergeant.

Kaanib ng Manila Police District ang nasawing pulis, na edad 40.

15,646 naman ang total na bilang ng mga PNP personnel na nahawaan ng COVID-19, kung saan 2,603 dito ang active case.

Habang 13,003 naman ang bilang ng mga gumaling, 213 ang dagdag sa nakarekober sa virus.


The post PNP personnel na todas sa COVID, sampa sa 40 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-personnel-na-todas-sa-covid-sampa-sa-40/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-personnel-na-todas-sa-covid-sampa-sa-40)