Magbabalik operasyon na sa Lunes ang Philippine National Railways (PNR).

Ito ay matapos makumpleto ang mass testing sa kanilang mga empleyado.

Sa inilabas na pahayag ngayong Sabado sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagsagawa ng COVID-19 test ang PNR mula Marso 29 hanggang Abril 8.

Sa 1,013 empleyado, 131 ang nagpositibo.

Dagdag ng DOTr, ang mga negatibo lamang ang pinayagang pumasok upang matiyak na ligtas sa virus ang iba pang PNR personnel at mga pasahero.

The post PNR balik operasyon sa Abril 12 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnr-balik-operasyon-sa-abril-12/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnr-balik-operasyon-sa-abril-12)