Maituturing na ‘wake up’ call sa gobyerno ang paglitawan ng mga community pantry para matugunan nito ang pangangailangan ng mamamayan sa gitna ng pandemya, ayon kay Senadora Grace Poe.

“This is a sign that not all hope is lost. The good in our fellow countrymen is shown through these community pantries. However it’s a wake up call that the government must do more to provide for the people,” pahayag ni Poe sa kanyang mensahe sa mga reporter.

“When will we stop reacting to the needs of the people and start anticipating them. First it was mass testing, then it was vaccination, and now our people are finding ways to feed the hungry,” punto pa nito.

Sinabi naman ni Senadora Imee Marcos, ang paglalagay ng mga community pantry ay pagpapakita lang na mulang ang tulong ng gobyerno sa taumbayan.

“Patunay lang na kaya nating Pilipinong tumayo sa sariling mga paa sa gitna ng pandemya, na kahit paano lalabanan natin ang gutom at pandemya para sa ating mga pamilya. Ang nagsulputang community pantries ang nagpapatunay na buhay na buhay ‘Bayanihan,’ pero sumasalamin din ito sa kawalan ng sapat na ayuda mula sa gobyerno,” sabi ni Marcos.

“Nagkakagulo pa nga ang marami dahil hindi napasama sa listahan ng [Department of Social Welfare and Development] na talagang napakagulo pa rin. Sana’y maisaayos, mapabilis at higit sa lahat madagdagan ang tulong ng pamahalaan natin sa mga pamilyang tinamaan ng sakit at nawalan ng hanapbuhay,” dagdag nito.

Pinuri naman ni Senadora Nancy Binay ang pagtutulungan at pagbibigyan ng mga Pilipino sa panahon ng kagipitan.

“It shows that Filipinos are naturally generous, compassionate, and have the heart for service. And when things seem uncertain, and despairing–community pantries are a testament that hope is not lost. Sharing does not need to have any color or politics,” ayon kay Binay.

Suportado din ni Senador Sherwin Gatchalian ang ginagawang bayanihan ng mga Pinoy sa gitna ng pandemya.

“We support these community parties and even donate food and materials to sustain it. We should support these community parties and even donate food and materials to sustain it,”ani Gatchalian.

The post Poe: Community pantry panggising sa gobyerno first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/poe-community-pantry-panggising-sa-gobyerno/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=poe-community-pantry-panggising-sa-gobyerno)