Hinimok ni Senador Grace Poe ang Department of Agriculture (DA) na gumawa ng kinakailangang hakbang para masuri ang imported na karne ng baboy at matiyak na hindi ito carrier ng COVID-19.

“Importante na ma-test din natin for COVID ang mga pumapasok na karne kasi aside from African swine fever (ASF) na mapapatay ang ating alagang hayop, ito naman makakaapekto rin sa tao so hindi pupuwedeng baka sa susunod na linggo na lang ‘yan,” pahayag ni Poe.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong Lunes tungkol sa food security crisis, tinanong ni Poe ang DA kung totoo na ang COVID-19 virus ay puwedeng magtanggal gn tatlong linggo sa frozen meat na kinumpirma naman ng ahensiya.

Ibinunyag din ng DA na naglaan sila ng P80 milyon test kits para sa ASF. Sa kasalukuyan, wala umano silang kapasidad na magsuri sa inaangkat na meat product para sa COVID-19.

Inusisa rin ni Poe ang disposal procedure ng DA para sa mga contaminated meat matapos mapabalitang may mga nakumpiskang karne ang itinapon sa Rizal at ginawang animal feed ng mga maliliit na magsasaka.

Sabi ng DA, ang mga nakumpiskang mga karne sa Rizal ay hindi kontaminado kundi mga smuggled na imported meat na ibinibenta sa mga hotel at restaurant.

“Pinoproblema natin ngayon ang ASF dahil may nagkulang sa sistema ng pag-inspeksyon. So drastically increasing our meat imports without enough testing capacity to ensure clean meat products will do more harm than good,” ani Poe.

The post Poe sa DA: Mga imported pork tiyaking COVID-free first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/poe-sa-da-mga-imported-pork-tiyaking-covid-free/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=poe-sa-da-mga-imported-pork-tiyaking-covid-free)