Mistulang ibinabasura lang ng China ang mga inihahaing diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA), ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kaya dapat na aniyang magsalita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ginagawa ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

“Filing of diplomatic protests or demarche, or, even summoning China’s ambassador to explain its continued incursions and occupation of maritime features in the West Philippine Sea may no longer be enough. China clearly does not accept accountability and even insisted that Julian Felipe Reef, which is clearly part of our exclusive economic zone (EEZ) is theirs,” sabi ni Zarate.

Maaari aniyang humingi ng tulong si Duterte sa United Nations Convention for the Law of the Sea at iba pang treaty body upang manawagan ng hustisya laban sa ginagawang pangangamkam ng China sa nasasakupan ng bansa.

“Malacañang must assert the historic Permanent Tribunal ruling in 2016 and abandon now its so-called ‘soft-landing policy’ in its pivot to China,” dagdag pa ng mambabatas.

Dapat din umanong isinulong ng gobyerno ang pagbibigay ng prayoridad sa interes ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng totoong independent foreign policy.

The post Protesta vs. China kulang, Duterte magsalita na – Zarate first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/protesta-vs-china-kulang-duterte-magsalita-na-zarate/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=protesta-vs-china-kulang-duterte-magsalita-na-zarate)