Pinag-iingat ni Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang publiko laban sa mga mapagsamantalang online seller na nagbebenta ng anti-parasite drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Bagamat nilinaw umano ng Lazada at iba pang online selling platform na para sa hayop ang Ivermectin mayroong mga mapagsamantala na maaaring sabihin na maaari rin ito sa tao sa kabila ng kakulangan sa ebidensya upang mapatunayan ito.

“People should never take animal drugs, as the FDA (Food and Drug Administration) has only evaluated their safety and effectiveness in the particular species for which they are labeled. Using these products in humans could cause serious harm,” ani Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na makabubuti kung hihintayin na lamang ang FDA na bigyan ng compassionate special permit ang Ivermectin para magamit sa mga COVID-19 patients.

“Lazada and the other e-commerce platforms should tighten their control especially when it comes to medicines and other drugs. For one, the prices of these should never exceed the suggested retail price. Second, they should ban sellers who market drugs to be utilized for other than their recommended function” wika pa ng solon.

Isinusulong ni Gatchalian ang panukalang Internet Transactions Act (ITA) upang maging responsable ang mga online platform gaya ng Lazada sa pagtanggap ng mga online sellers para maproteksyunan ang mga mamimili laban sa mga scam at iba pang uri ng panloloko.

Nakasaad din sa panukala na mayroong pananagutan ang mga online platform kung nagbenta ang isang seller ng produkto na hindi nakasunod sa pamantayan na itinakda ng batas.

“During these times when people are under a pandemic and relying heavily on online transactions, an enabling law that will impose stricter rules and regulations on the medium to avoid consumers from falling prey to these unscrupulous individuals is all the more needed,” dagdag pa ni Gatchalian.

The post Publiko pinag-iingat sa nagbebenta ng Ivermectin online first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/publiko-pinag-iingat-sa-nagbebenta-ng-ivermectin-online/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=publiko-pinag-iingat-sa-nagbebenta-ng-ivermectin-online)