Isa pang parak ang nasawi sa coronavirus disease 2019.

Kaya naman umakyat sa 43 ang COVID-19 death toll ng Philippine National Police (PNP) as of April 10.

Samantala, ayon pa sa PNP Health Service,
may 233 pang nagpositibo at 278 pang gumaling sa COVID-19.

Kaya pumalo na sa 17,194 ang mga kaso ng COVID-19 sa kapulisan sa bansa, kabilang ang 2,400 aktibong kaso at 14,751 nakarekober.

The post Pulis na dedo sa COVID 43 na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-na-dedo-sa-covid-43-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pulis-na-dedo-sa-covid-43-na)