Tumalon na sa 16,063 ang bilang ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng COVID-19 matapos maitala ang 173 bagong kaso.

Ayon pa kay PNP deputy chief for administration Guillermo Eleazar, Lunes, 231 pa ang gumaling kaya 13,391 parak na ang nakarekober mula sa coronavirus.

Habang nananatili sa 40 ang death toll ng pulisya.

Sa ngayon, umabot na sa 2,632 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.

The post Pulis na sapul ng COVID 16K na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-na-sapul-ng-covid-16k-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pulis-na-sapul-ng-covid-16k-na)