Mas nais ng mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo na makabalik sa trabaho kesa tumanggap ng tulong pinansiyal, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

“Alam mo ba sa turismo, mas gusto nila mag-restart ang tourism kaysa ayuda. Mas gusto nilang nagtatrabaho sila,” lahad ni Puyat sa panayam sa DZBB ngayong Sabado.

Ayon kay Puyat, dapat sanang makakarekober na ang tourism industry mula sa COVID-19 pandemic ngayong tag-init ngunit na-delay bunsod ng pagtaas ng COVID-19 case partikular sa National Capital Regional Plus bubble.

“Kaya masakit talaga kasi ang tagal-tagal na. One year na ito, dito na babawi, Holy Week tapos summer, dito nagta-travel ‘yung mga tao. Ganoon talaga. Buntong-hininga. Masakit talaga, masakit,” aniya.

The post Puyat: Mga tourism worker gusto balik-trabaho kesa ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/puyat-mga-tourism-worker-gusto-balik-trabaho-kesa-ayuda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=puyat-mga-tourism-worker-gusto-balik-trabaho-kesa-ayuda)