Inapela ng dalawang lokal na gobyerno ang kanilang quarantine status sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Kaya naman isinailalim na ng pambansang gobyerno ang Ifugao province sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Mayo 1 hanggang 14, habang general community quarantine (GCQ) naman sa Puerto Princesa city mula Mayo 1 hanggang 31.

“Itong apela na ito ay para sa mas striktong quarantine classification dahil sabi ng lokal na pamahalaan eh dumami ang mga kaso at hindi sapat ang kanilang mga ospital,” ani presidential spokesperson Harry Roque sa state TV.

Mula isang buwan ay iniklian naman ng pamahalaan sa 2 linggo ang MECQ status ng Santiago City sa Isabela, at mga lalawigan ng Quirino at Abra mula Mayo 1 hanggang 14 na lang.

The post Quarantine status ng Ifugao, Puerto Princesa hinigpitan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quarantine-status-ng-ifugao-puerto-princesa-hinigpitan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=quarantine-status-ng-ifugao-puerto-princesa-hinigpitan)