Inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukala na nagdedeklara sa Regina Rica sa Tanay, Rizal bilang isang tourist destination.

Sa botong 179 pabor, walang tutol at anim na abstention, inaprubahan ng House Bill 8967 na akda ni Rizal Rep. Fidel Nograles. Nagpadala na ang Kamara ng kopya ng panukala sa Senado, na kailangang magpasa ng kaparehong panukala upang maging batas.

Sa ilalim ng panukala, magtatayo ang Department of Tourism (DOT) tourism center sa lugar na tatawaging Regina Rica Tourism Center.

Gagawa rin ang DOT ng development plan upang mas maraming turista ang pumunta sa lugar.

Ayon kay Nograles maraming pumupunta sa lugar upang magdasal, mag-pilgrimage o para makahanap ng sariling katahimikan.

“Developing and enhancing the beauty of this ecological sanctuary and wellness environment will surely generate investment and foreign exchange in the area, while providing employment opportunities for the local government and residents within the area,” ani Nograles.

The post Regina Rica dineklarang tourist spot ng Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/regina-rica-dineklarang-tourist-spot-ng-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=regina-rica-dineklarang-tourist-spot-ng-kamara)