Nagpositibo si Navotas Rep. John Rey Tiangco sa COVID-19 batay sa resulta ng kanyang antigen test.

Ayon kay Tiangco siya ay magpapa-RT-PCR test upang makumpirma ang resulta.

“Mabuti naman po ang aking pakiramdam at kasalukuyan po akong naka-quarantine. Patuloy po akong magbibigay ng ulat sa inyo tungkol sa aking kalagayan,” ani Tiangco.

Nanawagan naman ito sa kanyang mga nakasalamuha na magpa-swab test at makipag-ugnayan sa barangay at health center.

Sa kabila nito ay sumali si Tiangco sa online hearing ng House Committee on Housing and Urban Development na nagsimula ala-1 ng hapon ngayong Miyerkoles.

The post Rep. Tiangco sapul ng COVID, sumali pa rin sa online hearing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rep-tiangco-sapul-ng-covid-sumali-pa-rin-sa-online-hearing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rep-tiangco-sapul-ng-covid-sumali-pa-rin-sa-online-hearing)