Sabi ni Vice President Leni Robredo, nababahala siya sa serye ng mga hate crime laban sa mga Asyano sa Amerika habang may pandemyang coronavirus.

Sa isang pahayag, Lunes ng umaga, binanggit din ng Bise na tiwala siyang aaksiyon ang bagong administrasyon sa US para masiguradong ligtas ang mga Pilipino, mga Asyano, at iba pang minority group.

“At a time when the world should come together in solidarity against the greater threat of the pandemic, Asians, some of them Filipinos, have been singled out as targets of rage and racial hatred. This has contributed to a climate of growing fear in an atmosphere already made volatile by COVID-19,” wika ni Robredo, Abril 5.

“Hatred has no place in any society that wishes to heal.”

“I am hopeful that the United States government, under the leadership of President Joseph R. Biden Jr., will ensure the safety of all Asians and minority groups, even as it works to address the deeper issues of racism and racial violence,” dagdag niya.

Napaulat na dumarami ang krimen laban sa mga Asyano sa iba’t ibang sulok ng US mula noong nagsimula ang COVID-19 pandemic.

Iniugnay ng mga aktibista itong pagsirit ng mga krimen sa pagbansag ni dating US President Donald Trump sa COVID-19 bilang “Chinese virus.”

The post Robredo kay Biden: Kaligtasan ng mga Asian-American tiyakin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-kay-biden-kaligtasan-ng-mga-asian-american-tiyakin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-kay-biden-kaligtasan-ng-mga-asian-american-tiyakin)