Hindi inaasahan ng Office of the Vice President na maraming Pinoy ang nangangailangan ng teleconsult services.

Kaya naman, muling nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga gustong maging volunteer ng kanilang “Bayanihan E-Konsulta” program.

“Today is the 19th day of operations of Bayanihan E-Konsulta. It has been both a whirlwind and a rollercoaster ride for all of us,” ani Robredo sa Facebook, Lunes, Abril 26.

“What we were initially imagining to be a simple low-tech teleconsult operations to fill in a few gaps, turned out to be the huge, complicated network that it is now. We did not realize the gap was this BIG!!!” kuwento niya pa.

Kailangan aniya nila ng volunteer doctors sa lahat ng specialization, pero mas kailangan aniya nila ng mga psychiatrist, surgeon, neurologist, allergologist, gastrointerologist, endocrinologist, cardiologist, at psychologist.

Gayundin, kailangan ng programa ng OVP ng non-medical volunteers, kabilang ang mga tutulong sa chat support, triaging at tagging, telephone monitoring ng Covid patient, call bridging, at tech support.

[A] Muli tayong nananawagan para sa MEDICAL AT NON-MEDICAL VOLUNTEERS sa Bayanihan E-Konsulta, para makatugon sa patuloy…

Posted by VP Leni Robredo on Monday, April 26, 2021

Ayon kay Robredo, mula Abril 7 hanggang 23 ay tumanggap na ang kanilang programa ng 25,494 consultation request o nasa 1,500 kada araw.

The post Robredo naghahanap muli ng mga volunteer first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-naghahanap-muli-ng-mga-volunteer/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-naghahanap-muli-ng-mga-volunteer)