Naka-confine ngayon sa isang pagamutan si Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa ipinadalang statement sa Malacañang, sinabi ng kalihim na masyadong mabagsik at mabilis makahawa ang COVID-19 kaya dapat na gawin ang lahat ng pag-iingat ng publiko.

“I am now admitted in a hospital for COVID treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution,” ani Roque.

Pero tiniyak ng kalihim na kahit naka-confine ito ay mag-aanunsiyo mamayang hapon kung mananatili o mababago ang risk qualification sa NCR Plus bubble batay sa magiging resulta ng pulong ng Inter-Agency Task Force ngayong Sabado.

Hiniling ni Roque na ipagdasal ang lahat ng mga tinamaan ng COVID-19 hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong bansa.

“I am asking for your sincerest prayers to all afflicted with COVID-19 in the country and around the world. God bless and protect us all,” dagdag ni Roque.

Matatandaang noong Marso 22 ay nagpositibo si Roque sa COVID-19 at sumailalim sa quarantine subalit hindi nagpa-ospital dahil siya ay asymptomatic at natapos ang kanyang 14 day quarantine.

The post Roque naospital dahil sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-naospital-dahil-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-naospital-dahil-sa-covid)