Pinayuhan ng Malacañang ang mga pasyenteng nais magpaospital na tumawag muna sa One Hospital Command Center para hindi masayang ang kanilang panahon kapag hindi agad ma-admit sa ospital.

Kasunod ito ng viral video ng isang pasyente na sa loob na lamang kanyang kotse ginamot at ipinakita ang oxygen dahil puno na ang pinuntahang hospital.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang One Hospital Command Center ang tutulong kung saang pagamutan dapat pumunta o kaya ay i-refer sa mga ospital sa mga karatig na probinsiya.

“Makatutulong po kung tatawag kayo sa One Hospital Command Center kasi pag tumawag kayo doon, sasabihin nila kung saan kayo puwedeng pumunta,” ani Roque.

Mahihirapan aniya ngayon ang mga nagkakasakit na didiretso sa mga ospital lalo na ang mga tinamaan ng COVID-19 dahil puno ang mga ospital.

“Talagang marami na pong puno dahil ang mga pribado ospital ay up to 20% lang po naman ang kanilang COVID bed capacity, so tumawag muna po sa One Hospital Command,” dagdag ni Roque.

The post Roque sa pasyente: Para ‘di sayang oras, tawag muna sa One Hospital Command first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-sa-pasyente-para-di-sayang-oras-tawag-muna-sa-one-hospital-command/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-sa-pasyente-para-di-sayang-oras-tawag-muna-sa-one-hospital-command)