Ang paggamit ng Real Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) ang pinaka-epektibong paraan para matukoy kung kontaminado ng COVID-19 ang isang tao.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa harap ng mga artikulo na hindi umano nade-detect ng RT-PCR testing ang bagong COVID variant sa France.

Sinabi ni Vergeire na pinabulaanan ng mga eksperto ang lumabas na artikulo kaugnay sa paglutang ng bagong covid variant.

“Ito pong article na ito, napakaliit ng population na nakitaan nila na meron daw hindi na-detect apparently sa RT-PCR. Pero ito po ay pinabulaanan ng mga expert coming from John Hopkins at Stanford at iba pang credible institution,” ani Vergeire.

Sa ngayon ayon sa opisyal ay pinag-aaralan na ng mga eksperto ang bago variant sa France para matukoy kung ito ba ay makaapekto sa mga ginagawang testing patungkol sa COVID-19.

“For now ang sinasabi nila, itong RT-PCR testing natin still very effective to detect the virus,”dagdag ni Vergeire.

The post RT-PCR epektibo pa rin sa COVID testing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rt-pcr-epektibo-pa-rin-sa-covid-testing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rt-pcr-epektibo-pa-rin-sa-covid-testing)