Inanunsiyo ng Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (PBS-RTVM) ang una nitong empleyado na tumanggap ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Facebook page ng PBS-RTVM, binakunahan si Leopoldo Lubid Jr. na pasok umano sa A3 category ng vaccine priority list ng gobyerno, o iyong mga may comorbidity.

Binigyan kahapon si Lubid ng CoronaVac dose, o ang bakuna na gawa ng Sinovac ng China, sa ilalim ng vaccination program ng Maynila.

Wala nang ibang ibinigay na impormasyon ang PBS-RTVM hinggil sa posisyon ng kawani.

Samantala, sinabi ni Lubid na wala siyang naranasang side effect sa CoronaVac.

“Sa mga walang allergy sa vaccine, normal lang ang pakiramdam, mabigat sa braso after 10 minutes. After ng checking of vital signs, pre-interview then bakuna na. After vaccine, rest ng 30 minutes if mayroong side effects. Pero kung wala tulad ko, uuwi na then schedule nila ulit for the second jab,” aniya pa.

The post RTVM may kawani nang nabakunahan vs. COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rtvm-may-kawani-nang-nabakunahan-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rtvm-may-kawani-nang-nabakunahan-vs-covid)