Aabot sa 24 dating rebelde ang nakakuha ng tig-P10,000 na tulong pinansyal mula sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ng Agusan del Sur.

Ang mga dating miyembro ng New People’s Army ay sumuko sa mga sundalo ng 26th Infantry Battalion.

“Since I returned to the folds of the law, I received a lot of support from the government. This will help me renew my life, together with my family,” saad ni alyas ‘Rey’, dating rebelde na isa sa tumanggap ng P10,000.

Hinimok niya ang iba pang NPA member na sumuko na rin at tanggapin ang offer ng gobyerno.

Nangako si Lt. Col. Reynald Romel A. Goce sa mga natitirang NPA sa Agusan del Sur na susuportahan sila sa oras na umalis sila sa komunistang grupo.

Lahad ni Goce, 74 sa 157 dating rebelde ang nabigyan na ng benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

The post Sana all! 24 ex-NPA member tumanggap ng P10K ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sana-all-24-ex-npa-member-tumanggap-ng-p10k-ayuda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sana-all-24-ex-npa-member-tumanggap-ng-p10k-ayuda)