Umukit ng kasaysayan ang isang baby matapos ipanganak na tatlo ang ari.

Ayon sa The Hill report, isang Kurdish ang sanggol mula sa Duhok, Iraq.

Ito ang unang kumpirmadong kaso sa kasaysayan ng tao, na tinatawag na “triphallia”.

Inalis na ng mga doktor ang dalawang ekstrang penis ng baby dahil wala itong mga urethra.

Hindi pa batid ng mga doktor kung paanong nag-develop ng tatlong penis ang sanggol.

Inabisuhan ang mga magulang ng sanggol na regular na mag-follow up sa mga doktor lalo na kapag nagbinata ang kanilang anak.

Unang iniulat ang bihirang kondisyon ng pagkakaroon ng dalawang penis na “diphallia” noong 1609.

The post Sanggol isinilang na 3 putotoy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sanggol-isinilang-na-3-putotoy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sanggol-isinilang-na-3-putotoy)