Kinilala ang Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte bilang isa sa mga pinakamagagandang beach sa daigdig.

Pasok ang Saud Beach sa 25 “Most Beautiful Beaches in the World” ng New York-based travel magazine na Travel+Leisure.

Binati naman ng Department of Tourism ang pagkakabilang ng nasabing destinasyon sa listahan, ang tanging beach sa Pilipinas na nakapasok doon.

“The DOT salutes the sole Philippine entry to the list, joining the ranks of other globally-recognized beaches such as the Copacabana in Rio de Janeiro, Brazil; Hanelei Bay in Kauai, Hawaii; Cape Le Grand National Park in Western Australia and others,” saad ng DOT sa isang pahayag, Miyerkoles.

The post Saud Beach isa sa pinakamagagandang beaches sa mundo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/saud-beach-isa-sa-pinakamagagandang-beaches-sa-mundo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=saud-beach-isa-sa-pinakamagagandang-beaches-sa-mundo)