Umukit ng kasaysayan ang SB19 sa Billboard Music Awards.

Sa Twitter, inanunsyo ng P-pop boy group na nominado sila sa Top Social Artist category ng BBMA 2021.

Sila ang pinakaunang Filipino at Southeast Asian Act na naging nominado sa tanyag na award-giving body.

“WE MADE IT, A’TIN! We are nominated for Top Social Artist of this year’s Billboard Music Awards!” banggit ng official Twitter page ng SB19 kagabi.

“We are so grateful for your love and support. We wouldn’t have come this far without all of you. A’TIN ‘TO! Iwawagayway ang WATAWAT!” sabi pa sa tweet.

Bukod sa SB19, finalists din sa parehong kategorya ang K-pop groups na BTS, Blackpink, at Seventeen at ang American singer-actress na si Ariana Grande.

Ang botohan para sa Top Social Artist category ay magsisimula sa Mayo 10.

The post SB19 record-breaker na naman first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sb19-record-breaker-na-naman/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sb19-record-breaker-na-naman)