Inanunsyo ni Vice President Leni Robredo na kailangan niyang mag-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanyang close-in security.

Sa Facebook post ng Bise Presidente, sinabi nito na dapat ay pupunta siyang Bicol dahil sa pagpanaw ng nanay ng kanyang staff member.

“Was supposed to leave for Bicol after our Swab Cab closes today to pay my respects and say my final goodbye to a good friend who left us a few days ago after a long bout with Cancer,” ayon kay VP Leni.

Ngunit hindi ito natuloy matapos na makatanggap ng tawag na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang close-in security na lagi niyang kasama.

“We have regular surveillance antigen testing in the office and we do follow very strict health protocols but because I was a very close contact, I need to do the required quarantine and do an RT-PCR test after my quarantine,” aniya pa.

The post Security nagpositibo sa COVID: Robredo quarantine muna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/security-nagpositibo-sa-covid-robredo-quarantine-muna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=security-nagpositibo-sa-covid-robredo-quarantine-muna)