Matapos ang isang dekadang pahinga sa Pinoy showbiz scene, nilabas na ni Sheryn Regis ang bago niyang orihinal na kanta.

Marso 26 ni-release ang “Tulad ng Dati” sa iba’t ibang streaming platforms.

Kuwento ng Crystal Voice of Asia, sa launch ng kanyang bagong single, bumalik siya sa Pilipinas ngayong 18 anyos na at working student ang kanyang tanging anak na si Sweety.

Matagal na nanirahan sa Houston, Texas sa Amerika si Sheryn para makasama ang kanyang pamilya.

“I can say that it’s now my time to shine. I dedicated myself to taking care of my daughter, and now that she’s considered a grown-up herself, it’s time to turn my attention to what I really love doing,” sey ni Regis, 41.

“She (Sweety) is so proud of the fact that she is already working. We’ve both decided that I should also go back to the work I left behind in the Philippines. This is why I’m here,” dagdag niya.

The post Sheryn Regis balik-Pinas na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sheryn-regis-balik-pinas-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sheryn-regis-balik-pinas-na)