Sobrang excited na si Richard Yap sa pinakaunang pagtatambal nila ni Heart Evangelista.

Sa isang panayam, sinabi ni Yap na nagpapapayat siya para hindi siya mukhang malaki kapag katabi si Heart sa bagong Kapuso series na “I Left My Heart in Sorsogon.”

“Nakaka-excite talaga sa akin is working with Heart. Kasi dati rati pa, I’ve always looked up to her. She’s one of the fashion icons. At saka, talagang one of the leading ladies that I’ve always wanted to work with. I’m really excited na magkatrabaho kami,” banggit ng 53-anyos na aktor.

“Well, ako nagpapapayat ako, kasi si Heart is very petite. Baka masyado akong malaki tingnan kapag katabi ko siya.”

“So kailangan magpapayat muna ako, magpakondisyon uli. ‘Yun ang main goal ko ngayon before the lock-in taping,” aniya pa.

Nakilala si Richard sa pagganap niya bilang ‘Sir Chief’ sa Kapamilya teleserye “Be Careful with My Heart.”

The post ‘Sir Chief’ nagpapayat para kay Heart first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sir-chief-nagpapayat-para-kay-heart/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sir-chief-nagpapayat-para-kay-heart)