Hiniling ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon sa liderato ng Senado na obligahin ang kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para magsumite ng report sa paggamit ng P19 bilyong anti-insurgency fund.

Paniniwala ni Drilon, maaring gamitin ang pondo ng NTF-ELCAC sa susunod na halalan sa 2022.

“Under the present General Appropriations Act, the NTF-ELCAC is supposed to submit a quarterly report to the Senate and the House of Representatives on the utilization of the funds. I will request the Senate leadership to require NTC-ELCAC to submit the quarterly report,” pahayag ni Drilon sa One News.

“These are not small funds. Magagamit sa pulitika iyan,” sambit pa nito.

Nakasaad sa 2021 GAA na kailangan isumite ng implementing agency at NTF-ELCAC sa Office of the President, DBM, House of Representative at Senado ang quarterly report ng paggamit ng pondo nito kasama na ang physical accomplishment.

Bagama’t hindi magagawa ng Kongreso na tanggalin ang pondo ng NTF-ECAC ngayong taong ito, sinabi ni Drilon na maaari namang ilipat ang pondo sa COVID-19 pandemic response ng pamahalaan.

Ayon kay Drilon, hindi na kailangan ng Presidente ang Kongreso para bigyan ng kapangyarihan na i-realign ang anti-insurgency fund sa pandemic response dahil may balido namang awtorisasyon na nakapaloob sa 2021 GAA para sa paggamit ng anti-insurgency fund sa COVID- response at pantulong sa mga mahihirap ng pamilyang naapektuhan ng pandemya.

“Insofar as the funding is concerned, the defunding cannot happen now. It can be defunded when we craft the 2022 budget. However, the President has the full authority to realign the funds. In fact, the present GAA includes as among the projects that fund would be COVID-19 vaccination,” sabi ni Drilon.

“There is authority under the law to use these funds for vaccinations and for indigent individuals. If the President is minded to, he has the full authority under the law to realign these funds from 822 so-called cleared barangays to the much needed and urgent ayuda to residents affected in the NCR Plus areas,” dagdag nito.

Sa ilalim ng 2021 national budget, P16.4 bilyon sa P19 bilyong pondo ng NTF-ELCAC ay gagamitin sa kanilang Barangay Develoment Porgram kung saan 822 barangay na na-clear na sa insurgency at tatanggap ng P20 milyon kada isa.

The post Sisilipin sa Senado! P19B pondo ng NTF-ELCAC puwede magamit sa politika – Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sisilipin-sa-senado-p19b-pondo-ng-ntf-elcac-puwede-magamit-sa-politika-drilon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sisilipin-sa-senado-p19b-pondo-ng-ntf-elcac-puwede-magamit-sa-politika-drilon)